Miyerkules, Oktubre 9, 2019

"ISANG TULA PARA SA PAMILYA"

Mula ng ako ay isilang
Ako ay nagkaroon ako ng muwang
Upang paglaki ko'y
Makapagpasalamat sa aking magulang

Sa aking Tatay na siyang dahilan
Kung bakit ako ay may pangalan
Salamat po sa iyo
Ako ay naging tao

Sa aking Nanay na siyang nagpalaki
Upang pagtanda ko ako'y maipagmalaki
Salamat sa iyo
Nagkaroon ako ng magandang mundo

Sa aking mga Kapatid na mahal ako
Salamat sa inyo lumaki ako
Binihisan ako para maging katulad niyo
At maipagmalaki ng ibang tao

Hindi man ako perpekto
Minsan ay may pusong bato
Pero ala ko dito sa puso ko
Walang makakapantay sa inyo

Ipinagmamalaki ko kyo
Dahil ako ay minahal niyo
Ng walang kapalit na kahit ano
Kahit pa na madalas selfish ako

Hindi niyo ako iniwan 
Kahit sa ano mang laban
Kasama ko kayo
Matalo man o manalo ako

Kung lumaki man ako 
Sa paraang hindi niyo gusto
Pasensya na Kayo
Dahil may sariling desisyon rin ako

Asahan niyo sa dulo ng buhay ko
Ay mayroong ding pangarap ang tulad ko
Nasaktan man o nasugatan ko ang puso niyo
Patawad ang pagsamo ko

Sa aking magulang at mga kapatid
Asahan niyo ang ating isip ay hindi mapapatid
Dahil sila,kayo at ako ay magiging isa
Para magbuklod at maging isang masayang PAMILYA

Mahal ko kayo
Gumuho man ang mundo
Matuyo man ang dagat
Kayo parin ang hahanapin ko

Upang paglingkoran kayo
ako ay magbabago
Ng pagdating sa dulo
Sama-sama parin tayo

BY: Jishelle D. Quiambao